Nagkakape ka ba o kumakain sa Starbucks? Kung gayon, baka gusto mong pag-isipan muli. Ang isang nakakagulat na imbestigasyon na inilabas ng Equitas ay nagpapakita ng mga panganib sa kaligtasan mula sa pagkain, diskriminasyon laban sa mga Pilipino na kostumer, at matinding kalupitan sa hayop sa likod ng mga itlog na ginagamit ng Starbucks.
Ang Gensum Farms ay isa sa mga pangunahing supplier ng itlog ng Starbucks Philippines. Sa mga sakahan nito, ang mga tae at dumi ay nakadikit sa mga rehas ng kulungan ng mga manok. Nakatambak din ang tae ng ilang pulgada lamang sa mga itlog at mga manok. Buong buhay nakasiksik ang mga inahin sa mga kulungan na tinatawag na “battery cages” na napakaliit at malupit na illegal sila sa dose-dosenang bansa sa buong mundo. Natagpuan din ang paglabas-pasok ng mga ligaw na ibon na nagdudulot ng panganib ng pagkalat ng avian influenza o bird flu.
Nangako ang Starbucks na gagamit lamang ng mga cage-free na itlog, na mas ligtas, mas mataas ang kalidad, at mas makatao, sa mga lokasyong pag-aari ng kumpanya. Gayunpaman, ang Starbucks ay hindi nagtakda ng isang timeline para sa pagtatapos ng pagbebenta ng marumi at malupit na mga itlog mula sa mga nakakulong na manok sa karamihan ng mga tindahan nito sa Pilipinas at ibang bansa. Iniisip ng Starbucks na hindi lahat ng kanilang kostumer ay nararapat sa parehong kalidad ng mga sangkap ng pagkain.
Dose-dosenang nangungunang mga kainan at kapihan ang nakatuon na gumamit lamang ng mga cage-free na itlog sa buong US, Europe, at Asia. Kabilang dito ang Costa Coffee, Dunkin Donuts, Tim Hortons, Pret A Manger, Illy, at marami pang iba. Nangako rin ang mga nangungunang QSR chains gaya ng Burger King, KFC, Taco Bell, Pizza Hut, at Papa John’s an gagamit lang ng mga cage-free na itlog sa lahat ng tindahan sa buong mundo.
Oras na para inhinto ni Starbucks ang pagsuporta sa matinding kalupitan sa hayop at ihinto ang diskriminasyon sa mga kostumer na Pilipino dulot ng paggamit ng caged eggs. Oras na para makipag-ugnayan ang Starbucks sa iba pang nangungunang internasyonal na kainan at kapihan at magtakda ng timeline para sa pagbebenta lamang ng mga cage-free na itlog sa buong mundo.
Starbucks: Hindi ako iinom ng kape o kakain sa alinman sa iyong mga restawran, kailangan niyong sumabay sa iba pang kilalang kumpanya ng pagkain at mangakong titigil sa paggamit ng mga itlog mula sa madumi, malupit na mga kulungang de baterya. Panahon na para ang Starbucks ay maging 100% na walang kulungan!
Mahigit sa isang dosenang pang-agham na pag-aaral na ang nakakita na ang mga nakahawlang sakahan ng itlog ay may higit na mas mataas na rate ng kontaminasyon ng salmonella. Ang European Food Safety Authority ay nagsagawa ng pinakamalaking pag-aaral tungkol sa isyu, pagsusuri sa mga datos mula sa limang libong mga sakahan. Nalaman nito na ang mga nakahawlang sakahan ng itlog ay 25 beses na mas malamang na mahawahan ng mga pangunahing strain ng salmonella. (1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 15, 16, 17)
Maraming mga kadahilanan kung bakit ang pagsisiksik sa mga inahin sa mga hawla ay nagdudulot ng mga panganib sa kaligtasan ng pagkain. Ang pananaliksik ng United States Department of Agriculture ay nagpapakita na ang stress na ibinibigay sa mga inahin ng pagkakakulong sa hawla ay ginagawang mas mahina ang mga inahin laban sa sakit. Mahirap ding linisin at disimpektahin ang mga hawla, na hahantong sa “mas malaking dami ng kontaminadong dumi at alikabok.” (18, 19, 20, 21, 22, 23)
Gaya ng mga aso’t pusa, ang mga manok ay matatalinong mga indibidwal na nakakaramdam ng sarap at sakit. Ang pagsisiksik sa isang hayop sa halos buong buhay nito sa isang hawlang napakaliit na halos hindi na ito makaikot ay sadyang napakamali. (24)
Ang mga patong-patong na hawla ay napakalupit na ipinagbabawal ang mga ito sa dose-dosenang mga bansa sa buong mundo. Ang bawat pangunahing samahan ng proteksyon ng hayop sa buong mundo ay kinokondena ang mga patong-patong na hawla bilang malupit at hindi makatao. (25, 26, 27)
Narito ang sinasabi ng ilan sa mga organisasyong ito:
“[Sa mga bukid na may mga itlog na mula sa kulungang de baterya] kahit ang pinakasimpleng pag-uugali tulad ng kakayahan na pagalawin ang kanilang mga pakpak o ang pagdapo ay hindi pinahihintulutan. Ang SPCA ay nag-aalala sa kapakanan ng milyun-milyong mga manok.” Hong Kong SPCA
“Hindi makatao ang mga kulungang de baterya; bukod sa napakasikip ng mga ito, hindi pa nito binibigyan ng kakayahan ang mga inahing manok na mamugad at maligo sa alikabok…Ang industriya ng pagkain ay nararapat gumamit agad ng mga itlog na wala sa kulungan upang ang Taiwan ay makasabay sa pang-internasyonal na pamantayan at matiyak ang kapakanan ng hayop.” Taiwan SPCA
“Ang mga patong-patong na hawla ay itinuturing na isa sa pinakamalupit na anyo ng pagkukulong ng hayop at masama para sa kaligtasan ng pagkain.” Malaysia SPCA
องค์กรเหล่านี้ไม่มีความเกี่ยวข้องกับเว็บไซต์นี้
Ang Starbucks ay patuloy na naghahatid ng mga itlog sa mga kostumer sa Asya mula sa mga tagatustos na nagkukulong sa mga inahing manok sa malupit at maruming patong-patong na mga hawla
Sa mga tagatustos ng itlog ng Starbucks na ito, nababalot ng dumi ng manok ang mga kagamitan at nababahiran ang mga itlog
Bawat inahing manok ay ginugugol ang halos buong buhay nito na nakakulong sa isang hawlang napakaliit na halos hindi na ito makaikot
Ang lahat ng mga video clip at larawan sa website na ito ay nasa pampublikong domain at maaaring ma-download at magamit ng sinuman, pati ang media.
Ang lahat ng mga video at larawan sa website na ito ay mula sa Gemsun Farms sa Cuenca, Batangas, na nagsusuplay ng mga itlog sa mga lokasyon ng Starbucks sa Pilipinas.
Ang mga dokumentasyon na nagpapakita na galing sa mga sakahan ng supplier na ito ang mga video at mula sa supplier na ito ang mga itlog ng Starbucks, ay makikita dito.
Ang Equitas ay isang pandaigdigang non-profit na organisasyon ng proteksyon ng mga mamimili at mga hayop na nakabase sa UK.
Mga pagsipi sa panganib sa kaligtasan ng pagkain at kalupitan sa hayop ng mga kulungang de baterya:
1: Van Hoorebeke S, Van Immerseel F, Schulz J, et al. 2010. Determination of the within and between flock prevalence and identification of risk factors for Salmonella infections in laying hen flocks housed in conventional and alternative systems. Preventive Veterinary Medicine 94(1-2):94-100.
2: Snow LC, Davies RH, Christiansen KH, et al. 2010. Investigation of risk factors for Salmonella on commercial egg-laying farms in Great Britain, 2004-2005. Veterinary Record 166(19):579-86.
3: 2010. Annual Report on Zoonoses in Denmark 2009. National Food Institute, Technical University of Denmark.
4: Van Hoorebeke S, Van Immerseel F, De Vylder J et al. 2010. The age of production system and previous Salmonella infections on farm are risk factors for low-level Salmonella infections in laying hen flocks. Poultry Science 89:1315-1319.
5: Huneau-Salaün A, Chemaly M, Le Bouquin S, et al. 2009. Risk factors for Salmonella enterica subsp. Enteric contamination in 5 French laying hen flocks at the end of the laying period. Preventative Veterinary Medicine 89:51-8.
6: Green AR, Wesley I, Trampel DW, et al. 2009 Air quality and bird health status in three types of commercial egg layer houses. Journal of Applied Poultry Research 18:605-621.
7: Schulz J, Luecking G, Dewulf J, Hartung J. 2009. Prevalence of Salmonella in German battery cages and alternative housing systems. 14th International congress of the International Society for Animal Hygiene: Sustainable animal husbandry : prevention is better than cure. pp. 699-702. http://www.safehouse-project.eu/vars/fichiers/pub_defaut/Schulz_Salmonella_ISAH%202009.ppt.
8: Namata H, Méroc E, Aerts M, et al. 2008. Salmonella in Belgian laying hens: an identification of risk factors. Preventive Veterinary Medicine 83(3-4):323-36.
9: Mahé A, Bougeard S, Huneau-Salaün A, et al. 2008. Bayesian estimation of flock-level sensitivity of detection of Salmonella spp. Enteritidis and Typhimurium according to the sampling procedure in French laying-hen houses. Preventive Veterinary Medicine 84(1-2):11-26.
10: Pieskus J, et al. 2008. Salmonella incidence in broiler and laying hens with the different housing systems. Journal of Poultry Science 45:227-231.
11: European Food Safety Authority. 2007. Report of the Task Force on Zoonoses Data Collection on the Analysis of the baseline study on the prevalence of Salmonella in holdings of laying hen flocks of Gallus gallus. The EFSA Journal 97. www.efsa.europa.eu/EFSA/efsa_locale-1178620753812_1178620761896.htm.
12: Snow LC, Davies RH, Christiansen KH, et al. 2007. Survey of the prevalence of Salmonella species on commercial laying farms in the United Kingdom. The Veterinary Record 161(14):471-6.
13: Methner U, Diller R, Reiche R, and Böhland K. 2006. [Occurence of salmonellae in laying hens in different housing systems and inferences for control]. Berliner und Münchener tierärztliche Wochenschrift 119(11-12):467-73.
14: Much P, Österreicher E, Lassnig. H. 2007. Results of the EU-wide Baseline Study on the Prevalence of Salmonella spp. in Holdings of Laying Hens in Austria. Archiv für Lebensmittelhygiene 58:225-229.
15: Stepien-Pysniak D. 2010. Occurrence of Gram-negative bacteria in hens’ eggs depending on their source and storage conditions. Polish Journal of Veterinary Sciences 13(3):507-13.
16: Humane Society International, “An HSI Report: Food Safety and Cage Egg Production” (2010). HSI Reports: Farm Animal Protection. 3. http://animalstudiesrepository.org/hsi_reps_fap/3
17: European Food Safety Authority. 2007. Report of the Task Force on Zoonoses Data Collection on the Analysis of the baseline study on the prevalence of Salmonella in holdings of laying hen flocks of Gallus gallus. The EFSA Journal 97. www.efsa.europa.eu/EFSA/efsa_locale-1178620753812_1178620761896.htm
18: The Danish Veterinary and Food Administration. 2004. The national Salmonella control programme for the production of table eggs and broilers 1996-2002. Fødevare Rapport 6, March.
19: Davies R and Breslin M. 2003. Observations on Salmonella contamination of commercial laying farms before and after cleaning and disinfection. The Veterinary Record 152(10):283-7.
20: Methner U, Rabsch W, Reissbrodt R, and Williams PH. 2008. Effect of norepinephrine on colonisation and systemic spread of Salmonella enterica in infected animals: Role of catecholate siderophore precursors and degradation products. International Journal of Medical Microbiology 298(5-6):429-39.
21: Bailey MT, Karaszewski JW, Lubach GR, Coe CL, and Lyte M. 1999. In vivo adaptation of attenuated Salmonella Typhimurium results in increased growth upon exposure to norepinephrine. Physiology and Behavior 67(3):359-64.
22: Shini S, Kaiser P, Shini A, and Bryden WL. 2008. Biological response of chickens (Gallus gallus domesticus) induced by corticosterone and a bacterial endotoxin. Comparative Biochemistry and Physiology. Part B. 149(2):324-33.
23: Rostagno MH. 2009. Can stress in farm animals increase food safety risk? Foodborne Pathogens and Disease 6(7):767-76.
24: Marino, L. 2017. Thinking chickens: a review of cognition, emotion, and behavior in the domestic chicken. Animal Cognition 20(2): 127–147.
25: “European_Union_Council_Directive_1999/74/EC.” Wikipedia: The Free Encyclopedia. Wikimedia Foundation, Inc. Web 03 August 2018, en.wikipedia.org/wiki/European_Union_Council_Directive_1999/74/EC
26: “Farm Animal Confinement Bans.” American Society for the Prevention of Cruelty to Animals. Web. 03 August 2018, www.aspca.org/animal-protection/public-policy/farm-animal-confinement-bans
27: World Organization for Animal Health, “Terrestrial Animal Health Code” (2017). www.rr-africa.oie.int/docspdf/en/Codes/en_csat-vol1.pdf